Pakigawan po ng explanation, yung matino naman po salamat. Ang hindi matinong sagot ay pwedeng maireport.

Mga dapat tandaan sa pagbuo ng Larawang Sanaysay
Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.

Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang larawang-sanaysay.

Hanapin ang ‘tunay na kuwento’. Matapos ang pananaliksik, maaari mo ng matukoy ang anggulo na gusto mong dalhin ng iyong kuwento kahit na ang bawat ideya ng kuwento ay pareho. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging kuwento.

Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa. Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong piktoryal na sanaysay sa madla ay ang mga damdamin nakapaloob sa kuwento at gamitin ito sa mga larawan.

Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.

Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.

Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.

Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw, kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

Mga Hakbang sa paggawa ng Sanaysay ng Larawan
1.Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro

2. Isaalang - alang ang iyong audience

3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkamit ng iyong layunin.

4. Kumuha ng maraming larawan

5.Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.

6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan