Ang Mesopotamia (Griyego: Μεσοποταμία, isinalin mula sa Sinaunang Persa na Miyanrudan "Lupain sa pagitan ng dalawang Ilog"; sa pangalang Arameo na Beth-Nahrain "Bahay sa Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Golpong Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok ng Kaukasya sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.